π—šπ—”π—”π—‘π—’ π—žπ—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—”π—‘π—š π—œ.π—˜. π—–π—˜π—₯π—§π—œπ—™π—œπ—–π—”π—§π—œπ—’π—‘?

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

π—šπ—”π—”π—‘π—’ π—žπ—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—”π—‘π—š π—œ.π—˜. π—–π—˜π—₯π—§π—œπ—™π—œπ—–π—”π—§π—œπ—’π—‘?

July 15, 2023 @ 12:00 am

Isa sa kadalasang tanong ay: β€œPwede bang gamitin ang titulong "Engr." kapag ikaw ay graduate ng Industrial Engineering (IE)?”
Sa Pilipinas, nakasanayan nang gamitin ng IE graduate ang titulong "Engr." para ipakahulugan na pwede nang ipractice ng IE graduate ang kanyang profession at i-offer ang kanyang service sa isang company or business ("but not directly sa public"). At wala namang batas na nagbabawal na gamitin yon para sa mga graduates ng isang non-board engineering course tulad ng IE.
Pero alam nyo ba na mahigpit ang paggamit ng titulong engineer sa ibang bansa kahit sa mga non-board engineering course? Dahil ang titulong ito ay itinuturing na PROTECTED title.
Iba-iba ang designation depende sa bansa.
β€œP.Eng” sa Canada
β€œEng.” sa Quebec
β€œPE” sa US
β€œEngr.” sa iba
Tulad sa Canada, ang tinatawag lang doon na engineer or pwede gumamit ng titulo ay ang mga licensed or registered engineer na naqualify ng engineering regulator or licensing board ng isang province or territory.
Paano naman sa kaso ng IE at ibang engineering course na walang board exam? Ang mga graduates ng mga nasabing kurso ay hindi tinatawag na "Engineer" or hindi ikinakabit sa pangalan ang nasabing titulo.
Bakit? Dahil ang paggamit ng titulong β€œengineer” para sa mga kursong yon ay magbibigay ng kalituhan sa publiko at 'yon ay illegal. Misrepresentation kumbaga.
Ang sinumang gumagamit ng titulong "Engr." ay nag-iiwan ng impression sa publiko na sya ay licensed or registered.
Sa mata kasi ng publiko, ang isang engineer ay (1) isang professional individual na eligible mag-offer ng engineering service nang safe & sound "directly sa public" and/or; (2) isang professional individual na naqualify ng isang engineering licensing/certification board.
Sa Canada, ang pwedeng gamitin na designation ng mga engineering graduates na hindi registered ay "B.Eng" which means "Bachelor of Engineering".
Alinsunod sa ganitong batas na patungkol sa paggamit ng titulong engineer, ang IE sa Pilipinas ay nagkaroon ng professional organization at β€˜yon ay ang Philippine Institute of Industrial Engineers (PIIE).
Ang PIIE ay merong certification board which is the Industrial Engineering Certification Board (IECB). Ang IECB ay binuo para magkaroon ng national registry ang mga IE, at kilalanin bilang "registered" engineers sa bansa kapag naipasa ang certification exam.
At nang sa gayon ay mabigyang linaw at siguradong maging appropriate ang paggamit ng titulong "Engr." at masigurado na may common mark of competence ang mga IE sa bansa.
Bukod doon, pwede rin magkaroon ng pagkakataon na marecognize or ma-align ang competence ng pinoy IE sa ibang bansa.
Katulad na lamang ng ASEAN Federation of Engineering Organizations (AFEO) na binubuo ng iba't-ibang Engineering Organizations sa ASEAN Countries.
Sa Pilipinas, ang organization na miyembro ng AFEO ay ang Philippine Technological Council or PTC. Ang PTC ay umbrella organization ng 13 Professional Engineering Organizations sa bansa at isa sa mga organizations na β€˜to ay ang PIIE.
Ang layunin ng AFEO ay magkaroon ng ASEAN integration or mutual understanding ang mga engineers ng ASEAN countries. Para kahit saang ASEAN country dalhin ang isang engineer, ay standard ang competence.
Pero dapat ang bawat engineering graduate ay kinikilala munang "engineer" sa kanyang bansa or naqualify muna ng isang engineering licensing or certification board (tulad ng PRC at IECB naman para sa IE) para magkaroon ng pagkakataon na mapasama sa integration.
Kinikilala ng AFEO at PTC na full-fledged or ganap na engineer ang isang individual kung ito ay licensed or registered engineer sa kanyang bansa.
Kaya naman dahil sa IE Certification or pagiging Professional Industrial Engineer (PIE), mas nagiging official ang paggamit ng "Engr." at siguradong wala nang question sa paggamit ng titulo. Mailalagay ang pangalan mo sa registry or sa listahan ng mga kinikilalang "Engr." na IE sa bansa.
At hindi ka lang basta marerecognize as "Engr." sa mata ng publiko kundi meron ka ring pagkakataon na maging isang Associate ASEAN Engineer (AAE) kung ikaw ay Certified Industrial Engineer (CIE).
At kung ikaw naman ay Professional Industrial Engineer (PIE) ay meron kang pagkakataon na mag-apply para maging ASEAN Engineer naman.
Iyan ang dahilan or kahalagahan ng pagkakaroon ng IE Certification sa bansa. Mas may edge din pag nag-apply sa mga companies dahil ang ibig sabihin nito ay meron kang competence na kinikilala nationally.
Ang pagiging CIE or PIE ang tutuldok sa "ENGR" para maging official ang paggamit nito para sa mga IE, kahit saan man sa Pilipinas magpunta.

Details

Date:
July 15, 2023
Time:
12:00 am
en_USEnglish